Sunday, October 19, 2014

GABAY NG GURO SA PAGTUTURO NG FILIPINO


Description: https://encrypted-tbn3.gstatic.com/images?q=tbn:ANd9GcQrnThDORe-Al8eqDCS8I8nig4R82hkJ03ImpcJSG1h6nm6w5v4
Description: https://scontent-a-hkg.xx.fbcdn.net/hphotos-xpa1/v/t1.0-9/1780664_263132907181501_1732483148_n.jpg?oh=08300e386f4166184df1bdfb36b337d7&oe=54BF7122Panpacific University North Philippines
Lunsod ng Urdaneta
Lalawigan ng Pangasinan
Unang SemestreTaong-Panuruan 2014-2015

Gabay ng guro sa pagtuturo ng filipino           

I.                  Layunin
A.     Nalalaman ang mga elemento, sangkap, at paghahatol ng isang dula.
B.     Natutukoy ang iba’tibang aspekto ng dula.
C.     Nakabubuo ng isang maikling dula sa entablado.

II.               Paksa
Elemento, Sangkap at Paghahatol ng isang dula
Kagamitan
      Manila Paper
      Pisara
      Chalk

III.           Pamamaraan

A.    PanimulangPagtataya
Pagtatanong sa mga estudyante kung sila ay may nalalaman tungkol sa paksang tatalakayin sa loob ng klase.

B.    Presentasyon
Bibigyan ang bawat mag-aaral ng kopya batay sa paksang tatalakayin. Sapamamgitan nito mas magiging buhay ang talakayan



C.    Pagpapayaman
1. Anu-ano angiba’tibang element ng isang dula?
2. Ano ang maaring gampanin nito sa loob ng isinasagawang dula?
3. Anu-ano ang mga elementong nakapaloob dito?
4. Ano ang apat na sangkap na bumubuo sa dula?
5. May pagkakaiba-ibabaangmgasangkapnanakapaloobsaisangdula?
6. Anu-ano ang mga maaaring isaalang-alang sa paglikha ng isang dula?
7. May kahalagahan ba ang mga ito upang lalong mapaganda ang isang dula?
8. Sa paghahatol ng isang dula, dapat bang sundin ang mga naisasaad dito?
9. Anu-ano ang iba’tibang balangkas ang nakapaloob dito?
10. Gaano ba kahalaga na malaman ang mga ito sa pagbuo ng isang dula? Bakit?

D.   Pagpapalawig
Bawat mag-aaral ay bubuo ng apat na pangkat at lilikha ng isang maikling dula-dulaan sa loob ng klase upang ito ay itanghal.

E.    Sintesis
Mamimili ang guro kung sino ang tatanghaling kampeon ang siyang makikipaglaban para sa darating na kompetesyon sa paaralan.





                                                                                                Inihanda ni:

                                                                                                CABURNAY, MARY JANE B.

GABAY NG GURO SA PAGTUTURO NG FILIPINO


Description: https://scontent-a-hkg.xx.fbcdn.net/hphotos-xpa1/v/t1.0-9/1780664_263132907181501_1732483148_n.jpg?oh=08300e386f4166184df1bdfb36b337d7&oe=54BF7122Description: https://encrypted-tbn3.gstatic.com/images?q=tbn:ANd9GcQrnThDORe-Al8eqDCS8I8nig4R82hkJ03ImpcJSG1h6nm6w5v4
Panpacific University North Philippines
Lunsod ng Urdaneta          
Lalawigan ng Pangasinan
Unang SemestreTaong-Panuruan 2014-2015
           
Gabay ng guro sa pagtuturo ng filipino           
I.                  Layunin
A.     Nalalaman ang mga pangyayari sa panahon ng hapon.
B.     Naihahambing ang mga pangyayari  noon sa kasalukuyan.
C.     Naisasabuhay ang mga nagawa ng ating mga bayani
II.               Paksa
Panahon ng Hapon
Kagamitan
      Manila Paper
      Pisara
      Chalk
III.           Pamamaraan
A.    PanimulangPagtataya
Pagtatanong sa mga estudyante kung sila ay may nalalaman tungkol sa panahon ng hapon.
B.    Presentasyon
Bibigyana ng bawat mag-aaral ng kopya batay sa paksang tatalakayin. Sa pamamgitan nito mas magigingbuhay at magandaangtalakayan
C.    Pagpapayaman
1. Anu-ano ang iba’t ibang pangyayari ang nakapaloob sa panahon ng hapon?
2. Ano ang maaaring epekto nito sa ating kasaysayan?
3. Mahalaga ba ang pangyayaring ito sa ating kasaysayan?
4. Ano ang mahahalagang kaganapan sa panahong ito?
5. Sinu-sino ang mgamanunulat sa panahong ito?
6. Anu-ano ang mga akdang nailimbag sa panahong ito?
7. May kinalaman ba ang mga akdang nailimbag sa panahong ito?
8. Patungkol saan tumatalakay ang mga akda dito?
9.Mahalaga ba ito na ating malaman?
10.Bilang mag-aaral paano mo ito pangangalagaan o pagyayamanin?
D.   Pagpapalawig
Bawat mag-aaral magkakaroon ng pagsusulit patungkol sa paksang tinalakay.
E.    Sintesis
Tatalakayin ng mag-aaral sa tulong ng guro ang mga akdang nailimbag sa panahong ito upang bigyang ng masusing pagpapakahulugan.






Inihanda ni:
CABURNAY, Mary Jane


DULA

https://encrypted-tbn3.gstatic.com/images?q=tbn:ANd9GcQrnThDORe-Al8eqDCS8I8nig4R82hkJ03ImpcJSG1h6nm6w5v4https://scontent-a-hkg.xx.fbcdn.net/hphotos-xpa1/v/t1.0-9/1780664_263132907181501_1732483148_n.jpg?oh=08300e386f4166184df1bdfb36b337d7&oe=54BF7122Panpacific University North Philippines
Lunsod ng Urdaneta
Lalawigan ng Pangasinan
Unang Semestre Taong-Panuruan 2014-2015





ELEMENTO NG ISANG DULA

1. Tauhan
-pinakamahalagang elemento ng isang dula dahil ang tauhan ang gumaganap sa mga pelikula, maikling-kwento, teatro atbp.

ü  Tatlong Aspekto ng Tauhan
a.pisikal nitong katangian tulad ng edad, taas, postura, hitsura atbp.
b.kalagayan nitong panlipunan
tulad ng mayaman o mahirap o tama lamang, mga hilig tulad ng isport, palabasa ba? o nangungulekta ba ng kung anu-ano? atbp.
c.sikolohikal nitong kalagayan
tulad ng temperamento kung masayahin ba? malungkutin? mapag-isa? mahiyain atbp.
2. Taunggalian                                                                                                                                -ang kontradiksyon ng dula. Ito ang pinakapuso ng isang kwento. Dito umiikot ang paksa o istorya. Kung walang tunggalian walang kwento.
ü  Tatlong Uri ng Tunggalian
a.pisikal/eksternal na tunggalian
kung nakikita ang dalawang puwersang magkalaban na nag-aabot ng harap-harapan, nang katawan sa katawan
b.salita na tunggalian
kung naririnig ang berbal na pag-uusigan sa paghaharap ng dalawang magkalabang puwersa ang pagsasalitaan ang pinapangyayari
c.tahimik/internal/sikolohikal/mental na tunggalian
kung ito’y nasa isip lamang ng tauhan na karaniwang ipinaparamdam sa pamamagitan ng mga ekspresyon ng mukha at kumpas

ü  Galaw/daloy ng Tunggalian
a.static – di gumagalaw
b.patalun-talon na paglalaban
c.umuunlad ng dahan-dahan ang kumplikasyon




ü  Bukal na Tunggalian
a.tao vs kapwa o lipunan
b.tao vs kalikasan at hayop
c.tao vs. sarili
ü  Pagtatapos ng  Tunggalian
a.talo – panalo
b.patas – tabla
c.kompromiso

3. Banghay                                                                                                                           -isang kwento rin ng dula. Isang kuwentong binubuo ng mga pangyayari. Ang mga pangyayari ay magkakawing/magkakaugnay at ang mga ito’y lumalakad o umuunlad umpisang simula pagitna hanggang sa matapos.
ü  Dalawang Paraan sa pagpapaunlad ng banghay
  1. linear o tradisyunal o kumbensyunal                                                         Prediktable ang linear na banghay na diretsong nag-uumpisa sa SIMULA –tuloy sa GITNA – at humahangga sa WAKAS. Pinakakaraniwang ayos ito sa pagpapaunlad ng mga pangyayari sa mga kuwentong-Pinoy, kaya magkaminsan nakakawalang-gana dahil napag-aalaman agad ang mga sumusunod na eksena.
b. sirkular o paikut-ikot                                                                                                                          Pinag-iisip at kapana-panabik ang ikot ng mga pangyayari. Maaaring magsimula sa tinatawag na in media res o sa GITNA balik sa SIMULA tuloy sa WAKAS, o di naman kaya’y sa WAKAS magsimula, tuloy sa banding GITNA, saka babalik sa SIMULA at uulitin ang WAKAS.

Mga Sangkap ng Dula

  1. Dramatikong Kumbensyon
Alam natin na ang dula ay manipestasyon ng di totoo, ngunit isang artipisyal na representasyon ng buhay ng tao. Hinihingi ng dula sa manonood ang pagtanggap at pagsunod sa mga tuntunin ng palabas.

  1. Kuwento sa Dula
Ang kuwento na nakabatay sa dula ay maaaring bungang isip lamang o hango sa totoong karanasan. Sa kasalukuyan may mga pagkakataon na ang isang maikling katha o kaya ay nobela ay maaaring pagbatayan o paghanguan ng isang dula. Mayroon din namang mga pagkakataon na ang isang orihinal na dula, maikling katha o kaya ay nobela ay nagiging batayan ng pelikula o kaya dulang pantelebisyon.

Sa ilalim ng elementong ito ng dula ay nabibilang ang mga sumnusunod na aspekto:

a.     Diyalogo o Kilos
Ang dramatikong diyalogo ay masining, pili at pinatitindi batay sa sitwasyon. Ito ay nag-iiba-iba batay sa kung ikaw ay nagpapaliwanag, naglalarawan, naglalahad o nagmamakatuwid kaya. Di dapat kalig-taan ang pagiging natural sa pagsasalita ng tauhan. Ang pagsasalita ay may sariling katangian - tinig, bigkas, diin, bilis, lawak at iba pa.

b.     Banghay
Ang masining na pagkakasunud-sunod ng magkakaugnay na pangyayari sa dula ang tinutukoy na banghay. Ang paigting nang pag-igting na mga pangyayari na siyang tinatawag na tunggalian ang siyang nagpapaganda sa isang dula.

  1. Tauhan
Pinakamahalagang elemento ng dula. Ang mga tauhan ang siyang nagbibigay-buhay sa mga iniisp at niloloob ng manunulat. Sa kanilang pagsasalita lumilitaw ang mga butil na kaisipang ibig palutangin ng sumulat. At sa kanila namang kilos naipadarama ang damdamin at saloobin.

  1. Kahulugan ng dula
Ang pinal na kahulugan ng dula ay ang bunga nito sa kabuuan o total na impresyon. Ito’y tumutukoy sa resulta o kinalabasan ng dula. Ang mensahe o kaisipang naitanim nito sa puso at isipan ng mga manonood.

PAGHAHATOL NG ISANG DULA
Sa paghatol ng isang dula ay may apat na criteria na nagsisilbing pamantayan sa pagsusuring gagawin sa isa sa mga dula-dulaang ipinaloob. Ito ay ang mga:
¨  Pagkakabalangkas ng Banghay
¨  Makabuluhang Pagpapahayag ng Paksa
¨  Pagkakalikha ng mga tauhan
¨  Pagkamalikhain
I. Ang Pagbabalangkas ng Banghay
 
¨  Ang banghay ay parang tao na may dalawang sangkap: katawan at kaluluwa.
 
¡  katawan
¨  Para magkaroon  ng kaisahang porma ay kinakailangang mabuo nang naaayon sa masining na pagsasaayos ng mga bahagi:
 
¡  eksposisyon o ang panimulang sitwasyon
¡  pahiwatig o ang tahasan o di tahasang babala o hamon na magpapakinita sa puwersa o panganib o balakid na masusuong.
¡  komplikasyon
¡  kasukdulan
¡  kakalasan

¡  kaluluwa
Ang banghay na matagal nang tinutukoy ni Aristotle ay puwersang nagpapatakbo o nagpapakilos sa mga pangyayaring nilahad sa iskrip
 
¡  sa direksyon ng taga-iskrip
¡  diyalogo ng tauhan
¡  pahiwatig o iniisip na saloobin o isasagawa ng mga tauhan



           

Sanggunian:

Arrogante, Jose A. 2002. Pagpapahalagang Sining sa Filipino. Manila City: National Book Store, Inc.

Sanggunian:

Belvez, Paz M. et. al. 1994. Wika at Panitikan. Quezon City: Rex Printing Company, Inc.













Inihanda ni:
CABURNAY,MARY JANE B


ANG PANAHON NG HAPON

Description: https://encrypted-tbn3.gstatic.com/images?q=tbn:ANd9GcQrnThDORe-Al8eqDCS8I8nig4R82hkJ03ImpcJSG1h6nm6w5v4Description: https://scontent-a-hkg.xx.fbcdn.net/hphotos-xpa1/v/t1.0-9/1780664_263132907181501_1732483148_n.jpg?oh=08300e386f4166184df1bdfb36b337d7&oe=54BF7122Panpacific University North Philippines
Lunsod ng Urdaneta
Lalawigan ng Pangasinan
Unang Semestre Taong-Panuruan 2014-2015


 
ANG PANAHON NG HAPON (1942-1945)
Panitikang Pilipinas

·         Ang panahong ito sa kasaysayan ng bansa at ng panitikan ang tinaguriang  Gintong Panahon ng Panitikang Filipino dahil higit na malaya ang mga Pilipino (kaysa noong sa Amerikano) sa pagsulat ng panitikan at pagsanib ng kultura, kaugalian at paniniwalang Pilipino sa mga ito.
·         Sa pambobomba ng Amerika sa Hiroshima, gumanti ang Hapon sa paglusob nito sa Pearl Harbor Dahil nasa isalalim ng kolonya ng Estados noong Disyembre 7, 1941. Unidos kaya’t sinakop ng Hapon ang Pilipinas. Ngunit para sa karamihang manunulat na Pilipino, isang biyaya sa larangang panitikan ng bansa ang pangyayaring ito.
·         Sumibol nang lubos ang panitikan ng bansa sa panahong ito dahil ipinagbawal ng namumunong Hapon ang paggamit ng wikang Ingles at itinaguyod ang pagpapayaman sa Sinunog din ang mgaØpanitikan gamit ang mga katutubong wika sa bansa. aklat na nasusulat sa Ingles upang masigurong hindi mababahiran ng kanluraning ideya ang panitikang nililikha.
·         Ang panahong ito sa kasaysayan ng bansa at ng panitikan ang tinaguriang Gintong Panahon ng Panitikang Filipino dahil higit na malaya ang mga Pilipino (kaysa noong sa Amerikano) sa pagsulat ng panitikan at pagsanib ng kultura, kaugalian Sa panahon ding itoØat paniniwalang Pilipino sa mga ito. kinilala ang mga manunulat na babaeng Pilipino sa pangalan nina Liwayway A. Arceo at Genoveva Edroza- Matute dahil sa mga makintal na maka- feministang maikling-kwento.
·         Ang isang manunulat ay likas na manunulat.
·          Nabigyang sigla ang Wikang Pambansa
·         Binigyan pa nila ng pagkakataon ang isang Pilipino, si Jose P. Laurel upang mangulo sa bayan sa kanilang “pamatnubay.”
·          Nasangkot ang Pilipinas. Nasakop ng mga Hapones
·         Natutong gagarin ng mga manunulat ang Haiku Lalabimpituhing TatlongMaikling tula pantig taludtod Unang taludtod ay lima Gitna ay pito Huli ay lima
·          Ang kagandahan ng uri ng tulang Haiku ay nakasalalay sa mga ipinahihiwatig na imahen nito at sa malalim na kahulugang taglay ng talinghaga.
·          Nagbalik din sa panulat ang matandang anyo ng tulang Tagalog, ang tanaga na parang Haiku sa ikli. Aapating taludtod lamang. Bawat taludtod ay binubuo ng tigpipitong pantig. Ubod din ng talinghaga. Halimbawa: 1. Tutubi 2. Anyaya Hila mo’y tabak… Ulilang damo Ang bulaklak,nanginig! Sa tahimik na ilog… Sa paglapit mo. Halika, sinta. Gonzalo K. Flores Liwayway, Hunyo 5, 1993
·          Binuhay naman ng makatang Ildefonso Santos ang tulang Tanaga. Ito’y maikli ring katulad ng Haiku ngunit ito’y may sukat at tugma at ang bawat taludtod ay may pitong pantig.
·         Halimbawa: 1. Palay Palay siyang matino Nang Humangi’y yumuko, 2. Kabibi Kabibi, ano kaba? May perlas, maganda ka Kung diit sa tainga 3. Tag-init Alipatong lumapag Sa lupa- nagkabitak Sa kahoy- nalugayak, Sa puso, naglagablab! Ildelfonso Santos Liwayway, Abril 10, 1943 tulang “Babaylan”                                                    
·         Mga manunulat sa panahaong ito
Lope K.  Santos
Jose Corazon de Jesus
Florentino Collantes
Panahon ng Hapon
1. Natigil ang panitikan sa Ingles kasabay ng pagpatigil ng lahat ng pahayagan
2. Gintong Panahon para sa mga manunulat sa wikang tagalog
3. Ipinagbawal din ng mga Hapon ang paggamit ng wikang Ingles
4. Ang paksa ay natutungkol sa buhay lalawigan
5. Napasara ang mga sinehan at ginawa na lamang tanghalan
6. Nagkaroon ng krisis ng papel kaya hindi masyadong marami ang akdang naisulat
Tatlong Uri ng Tula na sumikat sa panahon ng Hapon
1. Haiku
2. Tanaga
3. Karaniwang Anyo
Ilang Dula na sumikat sa panahon ng Hapon
a. Panday Pira – ni Jose Ma. Hernandez
b. Sa Pula sa Puti --- Francisco Soc. Rodrigo
c. Bulaga - ni Clodualdo del Mundo
d. “Sino ba Kayo?” “Dahil sa Anak” at “Higanti ng Patay” ni NVM Gonzales
Ilang Mahusay na Maikling Kwento
a. Lupang Tinubuan ---- Narciso Reyes
b. Uhaw ang Tigang na Lupa – Liwayway Arceo
c. Lunsod Nayon at Dagat-dagatan – NVM Gonzales




















Inihanda ni:
Bb. Mary Jane Caburnay